3rd impeachment vs VP Sara inihain sa Kamara

MANILA, Philippines — Humabol bago magtapos ang taong 2024 ay inihain kahapon ang ikatlong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ang ikatlong reklamo laban kay VP Sara ay inihain sa tanggapan ni House Secretary Ge­neral Reginald Velasco ng grupo ni Atty. Amando Ligutan,mga kasamahan nito sa religious groups  at koalisyon ng mga pari  na inakusahan si VP Sara ng betrayal of public of trust saka korapsiyon kaugnay ng hindi tamang paggasta ng P612.5 milyong confidential funds sa Office of the Vice President (OVP) at DepEd sa panahon ng kaniyang panunungkulan simula huling bahagi ng 2022 hanggang ikatlong quarter ng 2023.

Inendorso naman ni Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr., Deputy Mino­rity Leader at AAMBIS- OWA Partylist Rep. Lex Anthony Cris Colada ang  impeachment.

Ayon kay Ligutan, legal counsel ng mga nagreklamo ay base sa resulta ng mga nadiskubreng anomalya ng Blue Ribbon panel ng Kamara hinggil sa iregularidad sa paggamit ng confidential fund.

Ayon kay Ligutan, 12 mga pari, miyembro ng clergy, abogado at mga miyembro ng non-go­vernment organizations ang lumagda sa reklamo.

Show comments