Dela Rosa hinamon na maglabas ng ebidensiya sa resulta ng Quad Comm probe

Ito ang naging paha­yag ni dating vice presidential spokesman Barry Gu­tierrez kay Senador Dela Rosa at anya ay tama ang panawagan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop na huwag daanin nito sa drama o “emotional outbursts at theatrics” ang isyu. 
STAR / File

MANILA, Philippines — “Maglabas ng ebidensya para pasinungalingan ang resulta ng imbestigasyon ng House Quad Committee na na cover up lamang ng grand criminal enterprise ang anti drug war campaign ni da­ting Pangulong Rodrigo Duterte.”

Ito ang naging paha­yag ni dating vice presidential spokesman Barry Gu­tierrez kay Senador Dela Rosa at anya ay tama ang panawagan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop na huwag daanin nito sa drama o “emotional outbursts at theatrics” ang isyu. 

“This has always been Dela Rosa’s gimmick: kapag nasingil, dadaanin bigla sa palabas at iyak-iyak. It’s high time someone called him out on it,” dagdag ni Gutierrez. 

Una nang hinamon ni Dela Rosa si Acop na humarap sa altar para patunayan kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo at binatikos din nito ang pag-uugali ni Dela Rosa.

Show comments