Marcos sa Veloso clemency: ‘Malayo pa tayo doon’
MANILA, Philippines — “Malayo pa tayo doon.”
Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin ukol sa posibilidad na pagkakaloob ng ‘executive clemency’ kay Mary Jane Veloso.
“We still have to look at really what their status is,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview.
“[W]ala namang condition na binigay ang Indonesia, so it’s really up to us. But we’re still at the very preliminary stage of her pag-uwi,” aniya pa rin.
Sa ulat, makaraan ang halos 15 taon, nayakap nang muli ni Veloso, araw ng Miyerkules, ang kanyang pamilya nang dumating siya sa Pilipinas at dinala sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Umapela naman ang pamilya ni Veloso kay Pangulong Marcos na bigyan ng clemency si Mary Jane upang makalaya na.
Dati nang sinabi ng mga opisyal ng Indonesia na igagalang nila ang anumang magiging pasya ng Pilipinas tungkol kay Veloso.
Bago umalis ng Indonesia, inihayag ni Veloso na umaasa siyang mabibigyan siya ng clemency.
“Gusto ko na makalaya ako… Clemency… mapawalang sala. Kasi wala akong kasalanan,” pahayag niya.
Sinabi rin ni Marcos na ipinauubaya na niya sa legal experts kung karapat-dapat na bigyan ng clemency si Veloso.
- Latest