Libreng sakay sa LRT-1, 2 at MRT-3 ngayong araw – Pangulong Marcos

Sa inilabas na anunsyo ng Pangulo sa kaniyang social media accounts kahapon, sinabi niyang layon umano ng nasabing libreng sakay na maibsan ang gastos ng mga Pilipino habang nag­hahanda raw sa Pasko.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang libreng sakay sa Light Rail Transit (LRT 1 & 2) at Metro Rail Transit (MRT-3) ngayong Biyernes, Dis­yembre 20, 2024.

Sa inilabas na anunsyo ng Pangulo sa kaniyang social media accounts kahapon, sinabi niyang layon umano ng nasabing libreng sakay na maibsan ang gastos ng mga Pilipino habang nag­hahanda raw sa Pasko.

Dagdag pa niya: “Tinatayang aabot sa 1.1 milyong pasahero ang sasakay sa mga linyang ito—ang pinakamataas na ridership na naitala ngayong taon.

Hiling din ni PBBM na magdulot ito ng ka­ginhawaan sa commuters at maramdaman daw nila ang malasakit na nagmumula sa pamahalaan.

“Ang inisyatibong ito ay isang simpleng paraan upang maibsan ang gastos ng ating mga kababayang abala sa paghahanda para sa Pasko. Nawa’y magdulot ito ng ginhawa at ma­ramdaman ng lahat ang malasakit ng pamahalaan ngayong Kapaskuhan,” anang Pangulo.

Show comments