Lady solon, mister kinasuhan sa repacking ng mga relief goods
MANILA, Philippines — Sinampahan ng reklamo sa Office of the Ombudsman sina Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel, asawa nitong si dating An Waray Rep. Florencio ‘Bem’ Noel at ang kagawad na si Romulo Cruz.
Ito ay may kaugnayan di umano sa repacking ng mga relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga apektado ng bagyong Carina.
Ayon sa reklamo na si Rogelio Gumba, siya mismo ang inatasan ng congresswoman na kumuha ng mga family food pack para sa umano’y repacking activity.
Sa salaysay nito na karamihan ng mga food packs ay dinala sa headquarters ni Lacson-Noel sa Malabon at dinala naman sa Brgy. Longos, Hulung Duhat at Tinajeros ang iba pa.
Ipinamahagi ng mag-asawa ang repacked na plastic bags at hindi na umano naipamigay ang mga ibinukod na canned goods.
Dagdag niya, tumulong naman umano si Kagawad Cruz sa repacking at ibinahagi pa nga ito sa internet.
Para kay Gumba, malinaw na kaso ito ng Qualified Theft at paglabag ito sa Republic Act 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010.
- Latest