Misis kinatay ng ex-lover

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital ay kinilalang si Rosemarie Pasaporte, habang ang suspek ay ang dati nitong ka-live in na si Mario Gabayan, 32.
STAR / File

Galing Christmas party

MANILA, Philippines — Kamatayan ang sumalubong sa isang 24-anyos na misis na galing sa Christmas party matapos siyang pagsasaksakin ng dating ka-live in nang magkaroon ng pagtatalo, naganap sa labas ng kanilang bahay sa Brgy. South Poblacion, Naga City, Cebu, kamakalawa.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital ay kinilalang si Rosemarie Pasaporte, habang ang suspek ay ang dati nitong ka-live in na si Mario Gabayan, 32.

Batay sa ulat ng City of Naga Police, hinarang ng suspek ang biktima kasama ang anak nitong paslit at bagong kinakasama na galing sa Christmas party sa  labas ng kanilang bahay nang kausapin na ibigay sa kanyang kustodiya ang kanilang anak.

Hindi pumayag ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa bunutin ng suspek sa beywang ang patalim at pinagsasaksak ang biktima.

Nang duguang bumalagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek na kalaunan ay naaresto sa isang follow-up operation.

Ayon naman kay Mario na nagdala siya ng patalim para komprontahin ang bagong dyowa ng biktima, subalit inatake umano siya ng biktima.

Show comments