Mary Jane Veloso umapela ng clemency kay Marcos

Dumating na kahapon sa bansa ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Jane Veloso, mula sa Indonesia matapos makulong ng 14 taon sa kaso umanong drug trafficking. Nagpakuha ito ng larawan kasama ang mga magulang, anak at ibang miyembro ng pamilya sa loob ng Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.

MANILA, Philippines — Umapela si Mary Jane Veloso kay Pangulong Bongbong Marcos na bigyan siya ng clemency.

Kahapon ng umaga ay nakauwi na sa Pilipinas si Veloso matapos ang 14 na taong nasa death row sa Indonesia dahil sa kasong drug trafficking.

Naaresto si Veloso sa paliparan ng Yogyakarta noong 2010 matapos mahulihan ng 2.6 kilong heroin at nahatulan ng parusang kamatayan. Iginiit ni Veloso na inosente siya at biktima ng human trafficking. (IS)

Sa panayam ng media kay Veloso sa ­Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.

Sinabi ni Veloso na napakasaya niyang nakauwi na sa bansa at nakiusap sa Pangulo na bigyan siya ng cle­mency.

Show comments