^

Police Metro

VBank inilunsad ni Manong Chavit sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinangungunahan ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson kasama si veteran comedienne AiAi dela Alas ang paglunsad ng VBank digital bank, isang digital platform na siguradong makakapagbago ng landscape ng online financial transactions sa bansa noong Linggo, Disyembre 15, sa Quezon City sa Bridgetowne Destination Estate sa Eulogio Rodriguez Jr. Avenue.

Ang VBank digital bank ay isang digital banking platform na secure at siguradong makapagpapadali sa mga transaksyon online para sa mga Pilipino tungo sa pagiging financial inclusive ng bansa.

“Hindi lamang ito banking, ito ay inilunsad ko para mabigyan ang bawat Pilipino ng kakayahan na makasama sa pagpapalago ng ekonomiya sa bansa,” sabi ni Manong Chavit na Number 58 sa Senate ballot.

May halos lampas 6,000 cash-in outlets nationwide rin ang VBank kasama na ang Tambunting Pawnshops, Puregold at Alfamart kaya mas madali ang transaksyon kahit pa sa mga malalayong lugar.Maaari rin itong gamitin sa pagbabayad ng mga bills at kahit bumili ng mga mobile loads.

Sa mga gagamit ng VBank, makakapagbukas na sila ng bank account kahit app lang ang gamit at hindi na kailangang pumila pa at magpasa ng maraming dokumento, at maaaring makapagpadala ng pera sa lahat ng banko at digital wallets.

Inanunsyo rin nang senatorial aspirant ang “Manong Chavit’s 58 Days Milyun-milyong Papremyo” pa-raffle na layong maipakalat pa ang mga magagandang features ng VBank. Nasa 58 winners ang mag-uuwi ng P5,800 kada isa habang isang su­werteng winner naman ang makapag-uuwi ng P58,000 araw-araw at isang grand prize na P580,000 ang naghihintay para sa isang lucky user ng VBank sa 58th day.

Para sumali, i-download lang ang VBank app, gumawa ng account at sundan ang Facebook page ni Manong Chavit para sa mga updates.

CHAVIT SINGSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with