Isko landslide sa Maynila - SWS survey

MANILA, Philippines — Sigurado na ang pagbabalik sa Lungsod ng Maynila ni  dating alkalde Francisco “Isko ­Moreno” Domagoso matapos niyang tambakan nang malaking porsiyento sa pinakapinaniniwalaang survey ng Social Weather Station ang kanyang mga katunggali sa 2025 ma­yoralty race sa lungsod. 

Batay sa “Electorial Preferences and Voting Attitudes in the City of Manila” ng SWS simula Oktubre 27 hanggang 31, 2024, halos landslide ang kalamangan ni Isko kumpara sa mga kalaban niyang sina Maria Sheilah Honrado Lacuna-Pangan at Samuel Salonga Verzosa, Jr. 

Sa 1st district, nakakuha si Domagoso ng 82%; 12% si Verzosa; 5% si Lacuna-Pangan at 1% ang undecided; sa ikalawang distrito ay 76% boto laban kina Verzosa (13%) at Lacuna-Pangan (10%). May 2% undecided; Sa ikatlong distrito ay 61%; si Verzosa ay 18% habang 17% si Lacuna-Pangan ay 17%.

Sa ika-4 distrito ay nakakuha ng 51% si Domagoso; 31% kay Verzosa; 13% kay Lacuna-Pangan; at 4 ang undecided. ­Malaki rin ang kalamangan ni Domagoso sa mga kalaban sa ika-5 distrito sa botong 71% laban kina Verzosa, 17%; Lacuna-Pangan, 10% at 3 ang undecided. Nakapuntos din sa ika-6 distrito si Domagoso ng 70% habang 11% si Verzosa, 14% si Lacuna-Pangan at 5 ang undecided. 

Patunay ang naturang last quarter 2024 survey ng SWS na mainit at malakas ang suporta ng Manilenyo sa muling pagtakbo ni Yorme at ka-tandem si Chi Atienza na malakas din ang tsansang magwagi bilang kanyang bise-alkalde.

Show comments