MANILA, Philippines — Mismong mga rice importers at traders na sa Bulacan ang magdadala at magbebenta ng murang bigas sa iba’t ibang palengke sa Metro Manila simula sa susunod na linggo.
“Ito ang ang ipinangako ni Celestino Marquez, pangulo ng Intercity Rice Mills and Traders sa Balagtas, Bulacan matapos makumbinse natin sa pangunguna ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales ang grupo na ibenta diretso sa merkado ang mga bigas na hawak nila,” wika ni House Deputy Majority leader Erwin Tulfo.
Ayon kay G. Marquez, “pwede naming ibenta ang mga bigas namin diretso sa mga tao sa halagang P40 hanggang P45 per kilo.
Dagdag pa ni Tulfo, “this is a breakthrough and we are thankful na tutulong din itong mga negosyante sa pagresolba sa problema ng ating bayan.”
Sinabi naman ni Agriculture Secretary Francisco Laurel na kailangang bigyan sila ng permit (rice traders) na magbenta ng tingi o di kaya ibagsak nila sa 250 DA stalls sa NCR markets ang bigas nila.