^

Police Metro

Rice traders at importers magbebenta ng P40 per kilo sa NCR markets ngayong Disyembre

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mismong mga rice importers at traders na sa Bulacan ang magdadala at magbebenta ng murang bigas sa iba’t ibang palengke sa Metro Manila simula sa susunod na linggo.

“Ito ang ang ipina­ngako ni Celestino Marquez, pangulo ng Intercity Rice Mills and Traders sa Ba­lagtas, Bulacan matapos makumbinse natin sa pangunguna ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales ang grupo na ibenta diretso sa merkado ang mga bigas na hawak nila,” wika ni House Deputy Majority leader Erwin Tulfo.

Ayon kay G. Marquez, “pwede naming ibenta ang mga bigas namin diretso sa mga tao sa halagang P40 hanggang P45 per kilo.

Dagdag pa ni Tulfo, “this is a breakthrough and we are thankful na tutulong din itong mga negosyante sa ­pagresolba sa problema ng ating bayan.”

Sinabi naman ni Agriculture Secretary ­Francisco Laurel na kailangang bigyan sila ng permit (rice traders) na magbenta ng tingi o di kaya ibagsak nila sa 250 DA stalls sa NCR markets ang bigas nila.

RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with