MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang alkalde, konsehal, at kawani ng bayan ng Pandi, Bulacan na pawang akusado sa panggagahasa mahigit limang taon na ang nakakalipas sa Caloocan City.
Sa ulat natunton ang mga akusadong sina Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque alyas Councilor “Jonjon”, 48, at kawani na si alyas “Roel” 52, sa Amana Waterpark sa Pandi, Bulacan, ala-1:00 ng hapon ng Martes at isinilbi ang warrant of arrest na inilabas ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Ma. Rowena Violaga Alajandria ng Branch 121 para sa dalawang bilang na kasong rape sa ilalim ng Artile 266 ng Revised Penal Code na walang inirekomendang piyansa.
Batay sa rekord, inakusahan ng biktima ang tatlo ng panghahalay na naganap umano sa Lungsod ng Caloocan noong Abril 6, 2019.Mariin namang itinanggi ng mga akusado ang akusasyon.