^

Police Metro

Babae, tsinap-chop isinama sa kahoy na inuuling

Tony Sandoval - Pang-masa
Babae, tsinap-chop isinama sa kahoy na inuuling
Sa inisyal na imbestigasyon ng San Juan police, sinasabing bandang alas-11:00 ng gabi ng Lunes nang matuklasan ng isang 45-anyos na lalaki at ng kanyang live-in partner ang mga sunog na bahagi ng katawan ng hindi nila umano nakikilalang biktima sa kanilang gawaan ng uling sa Sitio Centro, Barangay Barualte.
STAR / File

Saksi sa isang krimen

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng babaeng hinihinalang tsinap-chop at sinunog ang natagpuan sa San Juan, Batangas nitong Lunes ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng San Juan police, sinasabing bandang alas-11:00 ng gabi ng Lunes nang matuklasan ng isang 45-anyos na lalaki at ng kanyang live-in partner ang mga sunog na bahagi ng katawan ng hindi nila umano nakikilalang biktima sa kanilang gawaan ng uling sa Sitio Centro, Barangay Barualte.

Matapos ang pagsusuri ng mga imbestigador, lumitaw na ang biktima ay isang 32-anyos na babae na ka-barangay din ng dalawa.

Ang katawan ng biktima ay pinutul-putol at isinama sa inuuling na kahoy.

Subalit sa follow-up investigation ay lumabas na ang lalaki at ang kanyang live-in partner din ang pangunahing suspek sa krimen.

Lumalabas na ang biktima ay siyang nakasaksi sa pamamaril na kinasangkutan ng suspek laban sa isa nitong nakaalitan sa kanilang barangay. 

Patuloy pa ang imbestigasyon at nangangalap ng mga ebidensya ang mga otoridad upang mapatunayan ang pagkakasangkot ng lalaki at ng kanyang kinakasamang babae sa krimen.

Isinailalim na sa pagsisiyasat ng SOCO ang crime scene.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with