^

Police Metro

Tinapyas na P10 bilyong pondo ng DepEd ibabalik - Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa
Tinapyas na P10 bilyong pondo ng DepEd ibabalik - Marcos
President Ferdinand Marcos Jr. conducts a media interview in Kalayaan Hall, Malacañan Palace on December 16, 2024.
Jean Mangaluz/ Philstar.com

MANILA, Philippines — Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibabalik ang P10 bilyon tinapyas na pondo sa Department of Education (DepEd).

Sa ambush interview sa Malakanyang sinabi ng Pangulo na hahanapan niya ng paraan para mapondohan ang DepEd.

Paliwanag pa ni Pa­ngulong Marcos na ang nawalan na P10 bilyon ay mula sa computerization item, kaya inaayos na nila para masiguro na maibabalik ito at hindi rin siya pabor sa line item veto.

Hindi naman tinukoy ni Pangulong Marcos kung saan kukuha ng pondo para sa DepEd.

“And I think we’ll still be able to do it, to be able to do something. Maybe this is the first thing, hindi pa buo ang sagot ko pero sasabihin ko na sa inyo, tinatrabaho namin ‘yan. At kailangan na kailangan. Hindi, you know… P12 billion request, the original request of the P12 billion to be reduced down to two. P12-B is only sufficient to maintain what we’re already ­doing when in fact we have to do more. So ‘yun na nga, we have to figure that out. But we are,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with