Mag-asawa, anak pinatay ng kapitbahay na ‘di pinautang
MANILA, Philippines — Nasawi ang isang mag-asawa at 14-anyos na dalagitang anak nang sila ay pagbabarilin ng 43-anyos na lalaking hindi nila pinautang sa bayan ng San Francisco, Camotes Island,Cebu.
Sa report ng Police Regional Office (PRO) 7, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Bernardo Perez Sampan, 42; Narcisa Sabroso Sampan, 41 at anak na si Cleah.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na agad nilang ikinasawi.
Nadakip nitong Sabado ng umaga ang suspect na si Rey Cabahug Batiller na nahaharap sa kasong murder
Sa imbestigasyon, nagtungo sa bahay ng mag-asawa nitong Huwebes ang para mangutang dahilan gipit umano ito.
Nais na sana itong pautangin ng ginang pero tumutol ang kaniyang mister dahilan hindi pa nakakabayad ang suspect sa mga nauna nitong pagkakautang .
Sa pahayag ng isa pang anak ng mag-asawa na nagawang makatakas na nakikain pa sa kanila ang nasabing suspect at napansin ng kaniyang ama na may dala itong baril.
Tinangka ni Bernardo na agawin ang armas pero higit na nanaig ang lakas ng suspect sa kanilang pagpapambuno at kasunod nito ay pinagbabaril ang mag-asawa saka isinunod ang dalagita.
- Latest