Mahigit 1k pang ‘Mary Grace Piattos’ sa confi funds, walang birth records
MANILA, Philippines — Nabuking na walang mga birth records ang 1,322 indibidwal na tulad ni ‘Mary Grace Piattos’ na tumanggap ng confidential funds sa Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House Committee on Good Government and Public Accountability o ang Blue Ribbon panel ng Kamara sa pamumuno ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, mayorya ng mga indibidwal na nakalistang tumanggap mula sa P500 milyong confidential funds ni VP Sara ang walang rekord ng kapanganakan sa data base ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Alinsunod sa atas ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinilip ng PSA ang civil registry record ng 1,992 indibidwal na tumanggap ng confidential funds batay sa isinumiteng dokumento ng Office of the Vice President sa Commission on Audit (COA).
Natuklasan din ng PSA na sa 1,992 pangalang isinumite sa beripikasyon, 1,456 ang walang rekord ng kasal, at 536 naman ang posibleng may kaparehong record. Wala namang death record ang 1,593 habang 399 naman ang may kaukulang tala.
Ang resulta, na may petsang Disyembre 11 ay ipinadala ni National Statistician at Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa kay Chua.
- Latest