Extraordinary Achievements nakuha ng BOC-IG ngayong 2024
MANILA, Philippines — Tinapos ng Bureau of Customs – Intelligence Group (BOC-IG) ang kanilang mga nagawang trabaho nitong taon na extraordinary achievements.
Si Director Verne Y. Enciso ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang nagbukas ng usapin sa pagpupulong at sinabi kung anu-ano ang mga mahahalagang pag-unlad ng BOC sa aspeto nang intelligence initiatives mula pa noong 2022 hanggang sa kasalukuyan, lalo na sa paglago ng halaga ng mga nahuli na kontrabando, na halos dumoble kada taon.
Sa command conference, na dinaluhan ng lahat ng hepe ng IG field offices sa bansa, napag-usapan nang detalyado ang mga mahahalagang kaso hinawakan nila at mga tagumpay na nakamit sa taon.
Sinabi niya na nakamit nila ito dahil sa husay sa pamumuno ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio at Deputy Commissioner Juvymax R. Uy.
“From 729 seizures worth PhP24 billion in 2022, we have now, in 2024, achieved an astounding 1,537 seizures with a total value of PhP81 billion—and counting”,wika ni Enciso.
Sa halagang nabanggit ay higit sa kalahati ang nanggaling sa CIIS-MICP na nagkakahalaga ng P55 bilyon na nahuling kontrabando at kabilang dito ang illegal na drugs, vape products, frozen mackerel, mamahaling sasakyan, pangkalahatang kalakal, ukay na damit, mga peke na gamit, at produktong pang agrikultura.
Ang isa sa mga nabigyan halaga sa usapan ay ang presentasyon at pagsusuri sa mga bagay na nasabat at pinag-usapan kung anu-ano ang mga klase na gamit ang pinupuslit ngayon taong 2024, mga gamit na madalas na mahuli nitong taon, at mga madalas ma pamamaraan na ginagamit para makapuslit ng gamit.
- Latest