Speaker Romualdez nakatutok sa Quinta Com hearing
MANILA, Philippines — Nakatutok si Speaker Martin Romualdez sa bawat hearing ng Quinta Committee hinggil sa mataas na presyo ng mga pagkain ngayon.
Ayon kay House Deputy Majority Leader Rep. Erwin Tulfo, “Every hearing bini-brief namin si Speaker Romualdez hinggil sa status at development ng hearing”.
“Siya naman kasi ang nag-utos na buuin ang Quinta Committee para maimbestigahan kung may cartel o sindikato na nagmamanipula ng presyo ng pagkain lalo na ang bigas”, ani Cong. Tulfo.
Lumalabas sa dalawang pagdinig na ng pinagsamang limang komite, ng ways and means, agriculture, trade and industry, social serivces, at food security, na nasa P33.15 lang ang kilo na bigas pagdating sa bansa ngunit umaabot sa P65 per kilo pagdating na sa palengke”, ayon pa kay Tulfo.
“Ang purpose ni Speaker kaya itinatag itong Quinta Committee ay hanapan ng solusyon ang mahal na bilihin”,and we found out na may cartel nga na kumikilos at sila ang kumikita”, wika pa ni House Committee on Agriculture Chairman Cong. Mark Enverga.
Ayon naman sa Office of the Speaker planong lagyan ng kadiwa stores ng DA ang bawat palengke para makabili ng murang bigas ang mga tao sa merkado.
- Latest