‘Teacher’ Stella, namahagi ng libreng sapatos

Matagumpay na naisa­gawa ang pamama­hagi ng libreng school supplies, bag, PE uniform, libro, at sapatos para sa halos 2,000 kindergarten students sa District 2 ng Marikina.
STAR/File

MANILA, Philippines — Higit 2K kinder students sa Marikina ang nabigyan ng libreng sapatos sa pangunguna nina Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo at dating Congressman Miro Quimbo.

Matagumpay na naisa­gawa ang pamama­hagi ng libreng school supplies, bag, PE uniform, libro, at sapatos para sa halos 2,000 kindergarten students sa District 2 ng Marikina.

Ang programang ay bahagi ng “Q Kiddie Scholar Program”, na unang inilunsad noong termino ni Cong. Miro Quimbo at ngayon ay ipinagpapatuloy ni Cong. Stella Quimbo.

Ayon kay Cong. Stella Quimbo, “Bilang guro sa loob ng 26 taon, naniniwala akong edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan. Kaya’t panata namin ni Cong. Miro na suportahan ang sektor ng edukasyon at gawing number 1 ang Marikina sa larangang ito.

Espesyal ang programang ito ngayong taon dahil bukod sa mga libreng school supplies, ipinamigay rin ang mga libre at de-kalidad na sapatos na gawang Marikina.

Ipinagmamalaki rin ng mag-asawang Quimbo ang kanilang mga nagawa, tulad ng pagtatayo ng higit 700 silid-aralan at pamimigay ng libreng school supplies sa higit 80,000 estudyante simula 2010.

Show comments