HVI tiklo sa P51 milyong ‘bato’ ng PNP, PDEA

MANILA, Philippines — Isang high value individual na target ang naaresto sa joint operation ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cebu City na kung saan ay nasa P51 milyong halaga ng ‘bato’ ang  nakumpiska.

Ayon sa PNP Regional Police Drug Enforcement Unit 7 at PDEA 7 Regional Special Enforcement Team, PNP Drug Enforcement Group-Special Ope­rations Unit, at Cebu City Police Office Station 11, dinakip sa buy-bust operation si alyas Jotex, 54, ng Brgy. Mambaling.

Isinagawa ang buy-bust operation sa Natalio B. Bacalso Avenue, Barangay Maambaling, Cebu City nitong Biyernes, alas-5:00 ng umaga at nasamsam sa suspek ang walang balot ng shabu na tumitimbang ng 7.5 kilos at may average market value na P51 million. Kinumpiska rin ng mga otoridad ang buy-bust money at iba pang  non-drug evidence.

Show comments