Koreano nagnakaw ng tsinelas na P50K at P4 milyong relo ng kababayan, arestado
MANILA, Philippines — Isang Korean national ang inaresto ng mga otoridad dahil sa pagtangay sa relo na nagkakahalaga ng P4 milyon at tsinelas na P50K ng kanyang kababayan sa Parañaque City, nitong Huwebes ng umaga.
Sa ulat, dinakip ang suspek na si alyas “Jeon”, 31, sa reklamong idinulog ng kapwa Korean national na si alyas “Minhyung”, 26, casino agent at nanunuluyan sa Multinational Village, Barangay Moonwalk, Parañaque City.
Ayon sa biktima, alas-11:00 ng umaga ng Disyembre 12, 2024, nang maganap ang insidente ng pagnanakaw sa kanyang silid ng suspek na nasaksihan ni alyas “Joana”, 25, negosyante at tumatayong interpreter.
Nakita umano ni Joana ang suspek na pumasok sa bahay ng biktima at nagtungo sa kuwarto na tumangay ng mga gamit at pera na kaniyang nakita na dala-dala.
Nabawi sa suspek ang mga ninakaw na designer slippers ng biktima na nagkakahalaga ng P50,000.00 habang bigo na mabawi ang na-itransfer na pera na nasa P2,240,000.00 at isang luxury watch na nagkakahalaga ng P1,500,000.00.
- Latest