^

Police Metro

Tindera na sumasali sa marathon, nabawi ang cellphone na tinangay ng rider

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nabawi ng isang tinderang sumasali sa mga marathon sa isang lala­king nakamotorsiklo na tumangay ng kaniyang bagong cellphone sa Sampaloc, Maynila, naganap nitong Miyerkules ng tanghaling tapat.

Sa ulat, sinabing nangyari ang insidente sa katirikan ng araw nitong Miyerkules nang isang rider ang bumili noon sa tindahan ng biktimang si Genelyn Dayao.

Nang paglingat niya upang kunin ang binibili, agad na lang dinakma ng rider ang kaniyang bagong-bagong cellphone.

Ngunit sa halip na masindak, agad hinabol ni Dayao ang suspek, na agad nakasakay ng motorsiklo.

Sa pagmamadali ng suspek, bumangga ang motorsiklo nito sa isa pang motorsiklong napadaan sa lugar at nalaglag ang cellphone na tinangay nito kay Dayao kaya agad itong nabawi.

Napag-alaman na matuling tumakbo si Dayao dahil panay ang hakot niya ng medalya sa iba’t ibang marathon.

MARATHON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with