^

Police Metro

68,448 PDLs, boboto sa midterm polls

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 68,448 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinahintulutan ng Commission on Elections (Comelec) na makaboto sa National and Local Elections (NLE) sa Mayo 2025.

Ayon kay Comelec Commissioner Aimee Ferolino, sa naturang bilang, 993 bilanggo lamang ang eeskortan sa labas upang bumoto sa kani-kanilang polling precincts.

Karamihan naman aniya sa mga ito ay boboto sa mismong pasi­lidad kung saan sila nakapiit.

Sinabi naman ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na ang PDLs ay pinahihintulutan ng Korte Suprema na makaboto hangga’t wala pang pinal na hatol ang hukuman, anuman ang kasong kinakaharap nito.

Una nang lumagda ang Comelec ng memorandum of agreement (MOA) kasama ang Bureau of Corrections (BuCor), Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP), at Public Attorney’s Office (PAO) kaugnay nang 2025 NLE.

PERSONS DEPRIVED OF LIBERTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with