^

Police Metro

NBI pag-aaralan kung kakasuhan si VP Sara

Ludy Bermudo - Pang-masa

Rekomendasyon ilalabas sa Enero…

MANILA, Philippines — Ilalabas ng National Bureau of Investigation (NBI) sa buwan ng Enero ang kanilang rekomendasyon kung dapat na isulong ang kaso laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa death threat niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na lahat ng ebidensiya at mga testimonya ay susuriin at pag-aaralang mabuti para madetermina kung sapat para sa paghahain ng reklamo laban kay Duterte.

Aniya, kahit prayoridad ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito, nagkataon naman na Christmas season kaya posibleng matapos ang deliberasyon at final report ng panel of investigators sa pagpasok ng Enero at posibleng sa unang linggo pa lamang ay maipasa na ang rekomendasyon sa Department of Justice (DOJ).

Sa ikalawang pagkakataon, nitong Disyem­bre 11, ay muli hindi sini­pot ni Duterte ang pagdinig sa NBI at sa halip ay ipinaabot sa kaniyang abogado ang liham na nagde-deny sa akusasyon.

Hindi naman ikinonsidera ng NBI ang liham bilang counter-affidavit dahil hindi umano ito sworn statement.

Una nang tinuligsa ni Duterte ang NBI at sinabing hindi siya makakakuha ng patas na desisyon, na dagdag pa ang hinaing na dapat ding aksyunan ng ahensya ang banta sa kaniyang buhay.

Nakasaad din sa liham ni Duterte na ang NBI ay nasa ilalim ng pangangasiwa ni Justice Secretary Crispin Remulla habang si Exe­cutive Secretary Lucas Bersamin ang nagpalabas ng pahayag na agad na imbestigahan at aksyunan ang nasabing isyu, kaya pinili nito na huwag na magbigay ng paliwanag.

NBI

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with