Misis binoga sa ulo ng dyowa, dedo

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang ginang nang malapitang barilin sa ulo ng live in partner nito sa gitna nang kanilang mainitang pagtatalo, naganap kama­kalawa sa Brgy. Luna, Tuy, Batangas.

Kinilala ang nasawi na si Flordelita Ilaya Anchorez, nasa hustong gulang habang ang suspek ay ang kinakasama nitong si alyas Edmon, 35, kapwa STL bet collector, residente rin ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:35 ng hapon nang maganap ang krimen sa loob ng Refresh Gaming Corp STL Station, kung saan kapwa nagtatrabaho ang biktima at suspek bilang mga bet collector.

Ayon sa mga nakasaksi, nagtatalo umano ang dalawa tungkol sa kanilang magulong relasyon hanggang napikon ang suspek at binunot ang dalang baril at binaril sa ulo ang biktima.

Pagkabulagta ng biktima ay mabilis na tumakas ang suspek tangay ang baril na ginamit sa krimen.

Show comments