Quezon Province nakamit ang 2024 Seal of Good Local Governance

MANILA, Philippines — Malugod na tinanggap kahapon nina Que­zon Governor Doktora Helen Tan at Vice Governor Third Alcala sa Tent City, Manila Hotel ang 2024 Seal of Good Local Gover­nance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Governor Tan, ang nasabing pagkilala ay parte ng patuloy na paghahatid ng Good Governance na nakapaloob sa kanyang HEALING Agenda, kung kaya’t ang pagkakatanggap ng parangal ay isang patunay ng tunay at epektibong serbisyo para sa lalawigan ng Quezon.

“It’s a concerted effort of everyone, and it’s a proof that we are doing our best sa Capitol na ayusin lahat ang mga proseso at Sistema,” saad ni Gov. Tan.

Matatandaan namang umpisa pa lang ng taong 2024 ay masusi na ang paghahanda ng Gobernadora para sa pagsigurong makukuha ang parangal na matagumpay na nagbunga.

Samantala, magalak ring binigyang-pugay ang bayan ng Candelaria, Dolores, General Nakar, Gumaca, Pagbilao, Real, Sampaloc, at Mauban na kasabay ring tumanggap ng nasabing parangal.

Ang Seal of Good Local Governance (SGLG) ay ang pinakamataas at prestihiyosong parangal na iginagawad ng DILG sa mga lokal na pamahalaan sa buong bansa na nagpakita ng mahusay at epektibong pamamahala.

Show comments