Pag-chop-chop sa parak, planado 10 hanggang 20 katao nasa likod ng krimen…
MANILA, Philippines — Hindi kumbinsido ang pamilya ng pinaslang na pulis sa lumabas na ulat na ang dahilan ay “crime of passion” matapos maaktuhan diumano ng suspek na kabaro sa “very intimate” na ginagawa ng biktima at kaniyang misis na isa ring pulis, ayon sa post sa social media noong Disyembre 6.
“For the past few days, there was a malicious news spreading that my father and a certain demonic woman was caught in the act of sexual activity that resulted to the shooting of my father committed by her demonic husband,” pahayag ng pamilya sa pamamagitan ng isang Peter Parker sa Facebook.
“This report was based on the ‘FALSE’ extrajudicial confession made by these (2) two demonic individuals who killed my father,” dagdag nila.
Ipinaskil din kasama ng pahayag ng pamilya ni Police Executive Master Sergeant Emmanuel B. De Asis, 55-anyos, ang investigation report na naglalaman ng pag-amin ng suspek na responsable siya sa insidente ng pamamaril at nakapatay sa biktima bago pinagputol-putol ang katawan, isinako at ibinaon sa kanilang ancestral house sa Baguio City noong Nobyembre 28, 2024.
Ayon pa sa pahayag ng pamilya De Asis, pinagplanuhan ang pagpatay at naniniwala sila na may 10 hanggang 20 pang indibidwal ang nasa likod ng krimen.
“For clarity, it was a set up that started by a forcible abduction, and merciless tortures that resulted to the tragic death of my father. It was planned and prepared since March 2024 up to present, to kill my father once he visit Manila perpetrated by these two demonic individuals…” ayon sa post.
“To their cohorts, your days are numbered. Just like my personal perseverance to locate this two demonic individuals for only 48 hours. We will seek justice in the bounds of the law. I will use all my trainings and skills as qualified special forces operator to hunt all of you. My whole family will not stop on this until you are all inside prison cell,’ saad pa sa post.
Una nang idineklarang “missing person” si De Asis na nakatalaga sa Puerto Princesa PPO, sa Palawan kaya nagtungo ang anak nito na isang police captain sa Southern Police District(SPD) matapos makita sa phone tracking app ang LG Motel na pinuntahan nito na nag-lead sa pagkakatuklas sa kabuuang pangyayari.
- Latest