P40/kilo bigas ititinda sa MRT-North Ave., LRT-Monumento

Sinabi kahapon ni DA Assistant Secretary Genevieve Guevarra na magtatayo ang ahensya ng Kadiwa ng Pangulo stalls sa North Avenue station ng MRT-3 at Monumento station ng LRT-1 sa Martes, Disyembre 10, 2024.

MANILA, Philippines — Maglulunsad ang Department of Agriculture (DA) ng programang Rice-for-All, na nagbebenta ng butil sa halagang P40 kada kilo, sa dalawang istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa susunod na linggo.

Sinabi kahapon ni DA Assistant Secretary Genevieve Guevarra na magtatayo ang ahensya ng Kadiwa ng Pangulo stalls sa North Avenue station ng MRT-3 at Monumento station ng LRT-1 sa Martes, Disyembre 10, 2024.

Ayon pa kay Guevarra, bukod sa North Avenue at Monumento stations, ang Guadalupe station ng MRT-3 at ang LRT-1’s Taft Avenue at PITX stations ay inirekomenda rin ng Department of Transportation (DOTr) para sa rollout ng P40 kada kilo ng bigas.

Sa unang bahagi ng linggong ito, sinabi ni Guevarra na P40 kada kilo ng bigas ay makukuha rin sa mga pangunahing pampublikong pamilihan.

Sinabi pa ni Guevarra na mag-aalok ang mga kiosk na ito ng Rice-for-All sa abot-kayang presyo na P40 kada kilo, na makukuha mula Martes hanggang Sabado, 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

Show comments