MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 18-anyos na dalaga nang malunod matapos madulas at mahulog sa malalim na bahagi ng Tinakayanan Falls sa Sitio Apalang, Brgy. Bolo, Labrador,Pangasinan noong Huwebes.
Nabatid na ang biktima na residente ng Brgy. Lasip, Lingayen, Pangasinan ay kasama ang kaibigan niya nakatayo sa itaas ng talon nang biglang madulas at mahulog.
Nagsisigaw ang biktimang humihingi ng tulong sa mga kasama para iligtas siya ngunit walang nagtangkang tumulong sa kanya dahil hindi sila marurunong lumangoy.Makalipas ang ilang minuto, lumubog ang biktima at nalunod.
Nagsagawa naman ng retrieval operation ang mga rumespondeng PNP personnel, MDRRMO at Philippine Coast Guard na binigyan ng CPR at first aid ngunit nabigo silang i-revive ito. Kaya’t isinugod sa ospital, subalit idineklarang dead-on-arrival.