^

Police Metro

P13 milyong droga nasamsam sa inabandonang parcel

Christine Boton - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga otoridad ang nasa 21 inabandonang parcel Central Mail Exchange Center, Pasay City na naglalaman ng  illegal drugs na may  street value sa P13 milyon.

Ang parcel na napag-alaman na  naglalaman ng mga aklat, wiring harnesses, skincare products, at mga damit ay hinarang ng  Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IATG) sa isang routine screening.

Na-detect sa X-ray scan kaya’t isinagawa ang pagsusuri ng K-9 dogs at dito ay nakuha ang nasa  7.79 kilograms ng high-grade marijuana, o  “kush,” na nagkakahalaga ng  P10.9 million, kasama ang 1,229 ecstasy tablets na nagkakahalaga ng  P2.08 milyon.

Hindi muna binanggit ang pinagmulan ng mga parcels dahil sa iimbestigahan din ng  international counterparts for further examination. Isinailalim na sa imbestigasyon ang consignee, o recipient ng mga parcels.

Ang nasamsam na mga droga ay nasa kustodiya na ng PDEA para sa laboratory examination.

CENTRAL MAIL EXCHANGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with