^

Police Metro

Pulis tsinap-chop, ibinaon ng kabaro

Ludy Bermudo - Pang-masa

Naaktuhan kasiping ang misis na pulis…

MANILA, Philippines — Natapos na ang pag­hahanap sa isang pulis na nawawala nang matagpuan ang bangkay nito na ibinaon sa isang lugar sa Baguio City matapos na patayin ng kabaro sa Taguig City nang mahuli na kasama sa kuwarto ang kanyang misis na isa ring pulis.

Kinilala ang biktima na si Police Executive Master Sergeant Emmanuel De Asis, 55, nakatalaga sa Puerto Princesa Provincial Office (PPO).

Habang ang suspek na umamin sa krimen ay si P/Lt. Colonel Pascua at iniimbestigahan din ang misis nitong si Rosemarie Pascua, 44, na nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB), ng NCRPO at umano’y kalaguyo ng biktima.

Nabatid na dumulog ang anak ng biktima na si P/Captain Peter De Asis kay Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Bernardo Yang na matulungan ang paghahanap sa nawawala niyang ama.

Nagsagawa ng phone tracking app at na-track ang cellphone ng ama sa LG Motel, sa Lower Bicutan, Taguig noong Nob­yembre 28, 2024, alas-8:30 ng gabi ay sinundo ng Grab taxi at inihatid sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City at nakita sa CCTV na kasama ang isang babae na sa kalaunan ay kinilalang si Rosemarie.

Tinungo ng pulisya ang MNOQ apartment ng mag-asawang pulis at nadatnan ang dalawa at kinumbida para sa imbestigasyon.

Inamin ni Lt. Colonel Pascua na binaril niya at napatay ang biktima nang maaktuhan na kasiping ang misis nito sa kanilang kuwarto na gumagawa ng sexual activity.

Inutusan ni Lt. Colonel Pascua ang misis na kumuha ng “hacksaw” at putulin ang katawan ng biktima at ilagay sa sako.

Isinakay ito sa silver Ford Ranger at ibiniyahe sa Baguio City kung saan ibinaon sa lupa at nitong Disyembre 5, 2024 ay nahukay ang katawan ng biktima.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with