MANILA, Philippines — Isa nang ganap na batas ang Ligtas Pinoy Centers Act at Student Loan Payment Moratorium Duringe Disasters and Emergencies Act.
Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang dalawang bagong batas sa isang ceremonial signing sa Palasyo ng Malacañang.
Layunin ng bagong batas na maipakita ang dedikasyon ng administrasyon sa pagsuporta sa mga pamilya at mag-aaral na apektado ng mga kalamidad.
Sinabi ni Pangulong Marcos na sa ilalim ng Ligtas Pinoy Centers Act ay magtatayo ng mga kumpletong pasilidad para sa evacuation centers sa buong bansa upang magbigay ng ligtas at pansamantalang tirahan para sa mga residente na apektado ng kalamidad.
Habang ang Student Loan Payment Moratorium During Disasters and Emergencies Act ay nagbibigay ng pampinansyal na ginhawa sa mga mag-aaral at kanilang pamilya sa panahon at pagkatapos ng kalamidad sa pamamagitan ng moratorium sa paniningil ng student loan nang walang multa at interes.