Jobless umakyat sa 1.97 milyon – PSA
MANILA, Philippines — Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong buwan ng Oktubre dahil sa naapektuhan ang labor force participation sa sunud-sunod na bagyo na tumama sa bansa sa nabanggit na panahon.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief National Statistician Claire Dennis Mapa na naitala ang 1.97 milyon ang walang trabaho na edad 15 at pataas sa nabanggit na buwan.
Ito ay mas mataas sa 1.89 milyon unemployed na naitala noong Setyembre, subalit mas mababa kumpara noong Oktubre 2023 na 2.09 milyon na walang trabaho.
Sa percentage na 50.12 milyon na mga Pinoy sa labor force, ang unemployment rate ay 3.9 percent mula sa 3.7 percent noong Setyembre.
Nananatili na ang services sector ang top sector sa bilang ng mga may trabaho na may share na 61 percent sa kabuaang bilang ng may trabaho noong Oktubre.
Naitala naman ang 21.2 percent at 17.9 percent sa agriculture at industry sectors sa kabuuang bilang ng mga employed batay sa pagpapasunod.
- Latest