^

Police Metro

PNP, tutulong sa imbestigasyon kung paano nakalabas ng bansa si Roque

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakahanda ang Phi­lippine National Police (PNP) na tumulong sa imbestigasyon sa kung paano nakalabas ng bansa si dating Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, bukas naman sila sa pagbibigay ng investigative assistance kung hihingin ito sa kanila.

Sa ngayon aniya, wala pang ibang ahensiya ng pamahalaan ang humihingi ng kanilang assistance.

Magugunitang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) at mismong ni Roque na nagpunta siya sa Abu Dhabi kung saan, doon siya naghain ng counter-affidavit sa kasong Qualified Human Trafficking na isinampa laban sa kaniya.

Habang ikinakasa naman ng Bureau of Immigration (BI) ang karagdagang kaso na isasampa nila laban kay Roque dahil sa iligal nitong pagpuslit palabas ng bansa.

HARRY ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with