Inflation rate bumilis ng 2.5% noong Nobyembre – PSA

MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippine Statistics Authority (PSA) ni National Statistician at PSA Undersecretary Claire Dennis S. Mapa na bumilis ng 2.5 percent ang inflation rate ng bansa noong nakaraang buwan.

Ito anya ay resulta ng pagtaas ng presyo ng baboy at karne sa mga pamilihan dahil sa paglaganap ng African Swine Fever (ASF) noong mga nakaraang buwan at sa pagbilis ng demand sa suplay dulot ng holiday season.

Dinagdag pa ni Mapa, nakadagdag din sa pagsipa ng inflation ang pagtaas ng transport cost ng mga pangunahing pangangailangan dulot ng pagtaas ng produktong petrolyo sa mga nakalipas na linggo.

Samantala, bagama’t bumilis ang kabuuang inflation rate ay bumagal naman ang rice inflation mula 9.6 percent noong Oktubre sa 5.1 percent nitong Nobyembre dahil iba’t ibang programa inilunsad ng gobyerno tulad ng Rice-for-All program.

Show comments