6 sinibak na pulis sa pagnanakaw, pinasusuko
MANILA, Philippines — Pinasusuko ng otoridad ang 6 pulis na nasibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa pagnanakaw sa bahay ng dating guro sa Imus, Cavite, kamakailan.
Nanawagan si National Police Commission-Calabarzon regional director, atty. Owen De Luna, sa anim na akusadong pulis na isumite ang kanilang sarili sa alinmang Law Enforcement Units lalo na sa Criminal Investigation and Detection Unit-Calabarzon.
Sinabi ni De Luna na dapat igalang ng mga akusado na pulis ang utos ng korte at para magamit nila ang kanilang constitutional right sa due process sa pagdinig sa mga kasong isinampa laban sa kanila.
Idinagdag niya na ang mga akusado na opisyal ay nabigo na dumalo sa pagdinig ng korte noong Martes, na ang sentensiya ng kaso ay itinakda hanggang Enero 28, 2025.
Nag-isyu ng warrant of arrest para sa pagtatanim ng ebidensya si Regional Trial Court presiding judge Zharone Frits Japzon-Ferreras, may petsang Setyembre 24, 2024 laban sa mga akusadong pulis na sina Staff Sergeants Jesus Alday, Julius Barbon at Emil Buna, Corporal Jenerald Cadiang at Lew Amando Antonio, at Patrolmen Reymel Czar Reyes at Rene Mendoza, na nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Imus City police.
Nagsampa pa ng karagdagang mga kasong kriminal tulad ng unlawful arrest, violation of domicile at planting of evidence laban sa mga akusado.
- Latest