^

Police Metro

Batangas mayoralty candidate, pinadidiskwalipika sa Comelec

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinasasagot ng Commission on Elections (Comelec) 2nd Division si San Pascual, Batangas mayoralty candidate Arlene Bantugon-Magboo kaugnay sa inihaing petisyon ni Danilo A. Aldovino laban sa kanya.

Ang summon na  inila­bas noong ­Nobyembre 28, 2024 ay inaatasan si Magboo na magsumite ng isang Verified Answer cum Memorandum sa loob ng limang (5) araw mula sa araw nang pagtanggap nito.

Inihain ang petisyon alinsunod sa Seksyon 78 ng Omnibus Election Code na humihiling na kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) ni Magboo dahil sa umano’y maling impormasyon.

Ayon sa petisyon, si Magboo na tatlong beses na naging Board Member ng Batangas ay nagdeklara ng pani­nirahan sa Barangay San Mateo, San Pascual, Batangas na taliwas sa kanyang dating deklaras­yon bilang residente ng Barangay Sta. Mesa, Mabini, Batangas nang tumakbo siya bilang Board Member.

Ang paglipat ng address ni Magboo sa San Pascual, Batangas ay para lamang makalahok sa halalan at wala siyang established o genuine ties sa community at hindi niya rin inabandona ang kanyang permanent residence sa 103 Barangay Sta. Mesa at kasalukuyang tirahan sa Barangay Gulibay, Bauan, Batangas.

Ang petisyon ay nakatuon sa kawalan ng sapat na kwalipikasyon ni Magboo sa paninirahan sa San Pascual, na isang mahalagang batayan sa kanyang kandidatura. Itinuturing itong paglabag sa batas na naglalayong tiyakin ang integridad ng halalan.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with