^

Police Metro

6 rebeldeng NPA todas sa engkuwentro

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Anim na rebeldeng New People’s Army ang nasawi nang makaengkwentro ang 19th Infantry “Commando” Battalion sa Barangay Paco, Las Navas, Northern Samar noong Lunes.

Ang mga nasawi ay miyembro ng Subregional Committee Emporium, Eastern Visayas Regional Party Committee sa ilalim nina Ariel Baselga alyas Poly at Aries.

Isang sibilyan ang nag-tip sa mga tropa na may isang grupo ng mga armadong lalaki ang dumaraan sa barangay.

Ipinakalat ang mga sundalo at nadiskubre ang isang pinagtaguan ng NPA, na napapaligiran ng mga ipinagbabawal na anti-personnel mine.

Tumawag ang mga tropa sa suporta ng artilerya at nakipagbakbakan sa mga rebeldeng komunista sa loob ng halos 30 minuto at limang lalaki at isang amasona ang napatay.

Narekober sa lugar ang dalawang M16 rifle, dalawang pistola, tatlong granada, at mga personal na gamit.

NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with