^

Police Metro

Pulis utas, traffic enforcer sugatan sa salpok ng kotse

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang pulis habang sugatan ang isang traffic enforcer matapos araruhin ng ­kotse kahapon ng umaga sa Cebu City.

Kinilala ang nasawi na si Patrolman Carlo Tachado Bayato, 28, ng Barangay Cubacub, Mandaue City habang ginagamot naman sa ospital ang sugatan na si Cesar Silva, 31, kasapi ng Cebu City Traffic Operations Management (Citom).

Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng Hyundai sub-compact sports utility vehicle (SUV) na si Luziane Marron Uy Ty, 22, residente ng Barangay Talamban, Cebu.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang insidente, alas-4:38 ng madaling araw sa kahabaan ng M. Cuenco Ave. at J. Panis Street, Barangay Kasambagan, Cebu ay nagtatrapik si Silva sa nasabing lugar sa ginagawang fun-run nang bigla na lamang itong mabangga ni ­Bayato ng minamanehong Yamaha Nmax.

Dahil dito, bumulagta sa kalsada ang dalawa nang bigla na lamang sumulpot ang kotse ni Ty at nasagasaan si Bayato.

Agad dinala sa ospital ang dalawa, suba­lit idineklarang patay si Bayato sanhi ng matin­ding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Sumuko naman sa pulisya si Ty at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injury and damage to property.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with