^

Police Metro

Mayor Pascual pinangunahan ang ground breaking ng house project sa Nueva Ecija

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Llanera Mayor Ronnie “Roy” Pascual ang iba pang opisyales ng Nueva Ecija sa groundbreaking ceremony para sa pagpapagawa ng mahigit sa 30,000 na housing units sa Nueva Ecija, na nasa ilalim ng flagship program ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang administrasyon ni Presidente Marcos ay naglalayon na magpatayo ng anim na milyon na mga housing units na lilikha ng 1.7 milyon na trabaho kada taon mula 2023 hanggang 2028 at ang paggawa ng libu-libong housing units sa Llanera, Nueva Ecija ay parte ng proyekto ng gobyerno na magbigay ng disenteng tahanan para sa milyun-milyong mga Pilipino. Dinaluhan nila ­Mayor Pascual, kasama si Congw. Virginia Rodriguez, Congw. Mikaela Violago at Bgy. Capt. Grace Dinio ang ceremonial groundbreaking ng proyektong pabahay na gagawin para sa ­libu-libong mga benepisyaryo na magmumula sa munisipyo ng Llanera, Nueva Ecija.

Ang iba pang mga opisyales na dumalo sa sere­monya ay mga kinatawan mula sa Department of Education, Senior Citizens, LGU Family at daan-daan pang mga sumusuporta sa PascualMoves.

Sa pakikipagtulungan sa Home Development Mutual Fund or Pag-IBIG Fund, ang ahensya ay naglabas ng P200 milyon na developmental loans para sa proyektong pabahay sa ilalim ng President Ferdinand R. Marcos Jr.’s flagship Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program.

Ang mga programang pabahay sa ­Nueva Ecija ay inisyatibo ni Mayor Pascual para magkaroon ng disente at murang pabahay sa Llanera at mga kalapit na bayan.

FERDINAND R. MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with