2022 presidency was mine already - VP Sara

Vice President Sara Duterte on November 15, 2024.
STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inihayag ni Vice President Sara Duterte na nakatakda na sana siyang maging Pangulo noong 2022 presidential elections ngunit ipinaubaya na lamang ito.

Ito ang sagot ni Duterte sa naging pahayag ni House Assistant Majority Leader, Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun na ang pagnanais ni Duterte na maging Pangulo ang dahilan ng mga kaguluhan ngayon sa pulitika.

“Nagsimula lang naman ang kaguluhan na ito noong mangarap ang ating bise presidente na maging presidente nang maaga. Nung mangarap ang former president na paupuin yung kanyang anak na maging presidente kaagad. Dun naman nagsimula ang lahat ng ito,” sinabi ni Khonghun noong Huwebes.

“Kung wala lang ­sanang maagang nangarap, wala lang ­sanang maagang nag-ambisyon na maging presidente, tahimik naman ang lahat,” dagdag niya.

Sa kabila nito, sinabi ni Duterte nitong Sabado, Nobyembre 30 na ang 2022 presidency ay para na sana sa kanya dahil sa buong suporta nito sa mga Filipino.

“So, ‘wag nila akong i-gaslight into saying na ako ang dahilan ng kaguluhan na ito. Ang kaguluhan na ito ay nagsimula sa terrorism nila, sa harassment nila, sa threats nila sa mga personnel ng Office of the Vice President,” dagdag pa ng Bise Presidente.

Show comments