Mary Jane Veloso ibabalik ng Indonesia sa Pinas sa Enero
MANILA, Philippines — Nakatakdang ibalik ng Indonesia sa Pilipinas si Mary Jane Veloso sa buwan ng Enero.
Bukod kay Veloso, ibabalik din ng Indonesia ang mga bilanggo na nakakulong sa kanilang bansa sa Australia, France ayon sa isang ministro nitong Huwebes.
“Our target is hopefully at the end of December, the transfers of these prisoners will have been completed,” ani senior minister Yusril Ihza Mahendra.
Kabilang sa mga itinuturing na mga high-profile detainees si Veloso na nailigtas mula sa pagbitay kasama ang natitirang mga miyembro ng “Bali Nine” ng Australia, na pawang hinatulan ng mga kaso sa droga.
Ginawa ang anunsiyo matapos ihayag ni Yusril noong nakaraang linggo na inaprubahan ni Pangulong Prabowo Subianto ang paglipat ni Veloso sa Pinas.
Matatandaan na hindi itinuloy ang pagbitay kay Veloso noong 2015, limang taon matapos arestuhin dahil sa dalang maleta na may lamang 2.6 kilo (5.7 pounds) ng heroin.
Napaulat na nakikipag-usap na rin ang Canberra sa paglilipat ng limang bilanggo na bahagi ng isang drug ring na inaresto noong 2005.
- Latest