MANILA, Philippines — Tatlong katao kabilang ang isang babae na pawang mga umano’y bigtime drug dealer ang naaresto sa inilatag na drug operation ng otoridad, kamakalawa ng gabi sa parking lot ng isang mall sa Gen. Trias, Cavite.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Usman; Aguil; at Camile, pawang mga residente ng Gen. Trias City, Cavite.
Sa ulat, alas-8:50 ng gabi nang ilatag ng PDEA Regional Office 4A RSET 1, PNP Regional Drug Enforcement Unit 4A at General Trias Police ang isang buy-bust sa parking lot ng isang mall sa Brgy. Tejero ng lungsod.
Narekober sa mga suspek ang may 250 gramo ng shabu na nakalagay sa pulang paper bag na may standard value na P1,700,000.00 milyong piso.
Nakumpiska din ang buy-bust money na ginamit sa operasyon at ang cellphone na gamit sa transaksyon.