VP Sara, ‘di idini-designate bilang terorista - DOJ

Philippine Vice President Sara Duterte holds a press conference at a hospital in Quezon City, Metro Manila on Nov. 26, 2024. Duterte on November 26 denied she was plotting to kill President Ferdinand Marcos, saying recent comments that sparked a government probe only reflected "consternation" with her one-time ally.
AFP/Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — “Hindi naman po kasi siya dine-designate as a terrorist.”

Ito ang paglilinaw ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Jesse Andres, kasunod ng pahayag ni VP Sara Duterte na balak siyang sampahan ng pamahalaan ng kasong paglabag sa Anti-Terror Law upang makansela ang kanyang pasaporte at ma-freeze ang kanyang assets at hindi niya magamit ang mga ito.

Ipinaliwanag  ni Andres na pinapanagot lamang ang bise presidente matapos sabihing may kinausap na siyang tao upang pumatay kina Pang. Ferdinand Marcos Jr., kanyang maybahay na si First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

“Wala pong ginagawang ganyan sa bise presidente. Wag po niyang pangunahan ang gobyerno.Wala pong ganyang ginagawa. ‘Yung act po ng pananakot niya, ‘yun po ang pinapanagot siya,” dagdag pa niya.

Paliwanag pa ni Andres, inisyuhan si VP Sara ng subpoena ng NBI upang mabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag hinggil sa kanyang ginawa, lalo na at ang kanyang banta sa pangulo ay hindi lamang sa pag-iisip, kundi sinimulan na niyang gawin.

Tinukoy pa ni Andres ang Section 4 ng Anti-Terror Law, kung saan nakasaad na aniya na, “... the acts of terrorism and one of the acts defined there as punishable in Section 4 of the Terrorism Law is when one engages in acts intended to cause death or serious bodily injury to any person. Or endangers a persons life.”

Show comments