Team Albay, huwaran sa pagtugon sa mga kalamidad

An aerial view shows destroyed buildings with ripped off roofs after super Typhoon Goni hit the town of Tabaco, Albay province, south of Manila on November 1, 2020.
AFP/Charism Sayat

MANILA, Philippines — Muling pinatunayan ng Team Albay, na kilala sa mabisang pagtugon sa mga suliraning likha ng matinding kalamidad, na modelo o huwaran nga ito sa organisado at mabisang pagtugon sa mga problemang dulot ng ma­tinding pananalasa ng mga kalamidad gaya nang iniwan ng bagyong Pepito kamakailan sa iba’t ibang lalawigan ng bansa.

Binuo ito noong 2008 ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda nang gobernador siya ng Albay na muling binuhay at kaagad na ipinadala sa Catanduanes kamakailan.

Sa ilalim ng Misyong “Albay in Action and Compassion for Ca­tanduanes (A2C2),” tututukan nito ang limang mga bayan ng Pandan, Panganiban, Gigmoto, Caramoran, Bagamanok at Viga (PaPaGiCaBaVi) sa hilagang bahagi ng Catanduanes na lubhang binugbog ni Pepito.

Pinagsanib sa ilalim nito ang ilang mga ahensiya ng pamahalaan, “humanitarian organizations, healthcare teams, local stakeholders” at iba pang mga boluntaryo na ang magkakasamang bilang ay umaabot sa 250 katao.

Pinondohan ng P15 milyon na inipon ni Salceda mula sa iba-ibang pinagmulan, isasagawa ng Team Albay ang malawakan at makataong mga ayuda kasama ang “medical and hospital assistance, psycho-social support, water sanitation through water lorries and water filtration tanks, internet connectivity via six Starlink sets, food and fuel replenishments, home building materials” at pamimigay ng de-kalidad (hybrid) na binhing palay para sa mga magsasaka doon.

Show comments