4 domestic banks hindi popondohan ng karagdagang karbon
MANILA, Philippines — Apat na pangunahing domestic banks sa bansa na tumangging pondohan at suportahan ang karagdagang karbon, kabilang ang pagpapalawak ng proyekto ng Therma Visayas Inc. (TVI) sa Toledo, Cebu.
Ayon sa apat na bangko, hindi nila popondohan ang mga bagong kapasidad ng karbon alinsunod sa Withdraw from Coal: End Fossil Fuels (WFC:EFF), isang koalisyon ng mga environmentalists, faith leaders, at iba pang sectoral groups.
Sinabi ni Gerry Arances, co-convenor ng WFC:EFF, ang pagtanggi ng mga bangko na suportahan ang proyekto ay malaking tulong sa kapaligiran at pangangailangan ng bansa ng sustainable energy.
Katwiran ng mga bangko, mas nais nilang suportahan ang adbokasiya ng pamahalaan para sa mas malinis na kapaligiran.
Nilinaw ng bangko na ang patakaran nito sa pagpopondo ng karbon ay susunod sa coal moratorium ng Department of Energy (DOE).
Hinimok din ni Arances ang mga bangko sa Pilipinas na ilipat ang suporta mula sa coal at gas sa renewable energy, sa gitna ng pangako sa buong mundo na lumayo sa fossil fuels.
Sinampahan din ng kasong graft si Energy Secretary Raphael Lotilla dahil sa kanyang pag-endorso sa Unit 3 ng TVI sa kabila ng pagpapalawak na salungat sa 2020 coal moratorium.
- Latest