^

Police Metro

VP Sara, security kinasuhan ng QCPD

Doris Franche-Borja - Pang-masa
VP Sara, security kinasuhan ng QCPD
Pinangunahan ni Quezon City Police District (QCPD) acting district director PCol. Melecio Buslig kasama sina QCPD Medical and Dental Chief LTCol. Van Jason Villamor sa pagsasampa ng kaso laban kay Vice President Sara Duterte at kanyang mga security sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng Direct Assault, Disobedience at Grave Coercion ng Quezon City Police District (QCPD) si Vice President Sara Duterte at chief security nito na si Army Col. Raymund Dante Lachica sa Quezon City Prosecutor’s Office kasunod nang naganap na insidente sa Vete­rans Memorial Medical Center (VMMC) nitong Sabado.

Kahapon ay personal na nagtungo sa fiscal’s office si QCPD Director PCol. Melecio Buslig, Jr. kasama si Lt. Col. Van Jason Villamor, hepe ng QCPD Medical and Dental Unit at iba pang pulis upang ihain ang reklamo laban kay Duterte na umano’y nagbanta nanakit sa kanila.

Nag-ugat ang kaso sa komprontasyon nina Duterte at mga pulis nang ilipat sa St. Luke’s Medical Center mula sa VMMC ang chief of staff ng Bise Presidente na si Atty. Zuleika Lopez.

Isinugod si Lopez, sa VMMC matapos itong makaranas ng pagkahilo at pagsusuka hanggang sa ilipat sa St. Luke’s sa E. Rodriguez, QC.

Nakita sa video ang pagsita at pagduduro ni Duterte sa mga pulis na noo’y itinalaga para sa kanilang seguridad.

Agad din namang ibinalik si Lopez sa VMMC na dumanas ng acute stress disorder.

Sinabi naman ni Villa­mor na hindi nila inakala na gagawin sa kanila iyon ng Bise Presi­dente dahil tumutupad lamang sila sa kanilang trabaho.

Bukod kina Duterte at Lachica, ilan ding John Does at Jane Does din ang kinasuhan.

CIDG

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with