Pastor Quiboloy nakakulong na sa Pasig City Jail

Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. with Philippine National Police (PNP) chief PGen. Rommel Francisco Marbil and Davao Police Regional director PBGen. Nicholas Torre III present Kingdom of Jesus Christ (KoJC) Pastor Apollo Quiboloy and his co-accused during a press conference inside the PNP Headquarters Camp Crame in Quezon City on Sept. 9, 2024 following their negotiated surrender in Davao City.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nailipat na sa male dormitory ng Pasig City Jail si Kingdom of Jesus Christ (KOCJ) founder, Pastor Apollo Quiboloy batay sa kautusan ng korte sa Philippine National Police.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGEN. Jean Fajardo, hindi na idadaan si Quiboloy sa Kampo Crame at diretso na sa Pasig City Jail matapos ang medical furlough sa Heart Center of the Philippines.

Nabatid na dakong alas-5:05 ng hapon nang ilipat ng mga otoridad si Quiboloy mula sa Philippine Heart Center patungo sa bilangguan matapos ang kanyang medical furlough.

Nakasuot ng protective helmet at bullet proof vest si Quiboloy nang dalhin sa bilangguan kung saan sumailalim rin siya sa medical at booking procedure.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ikukulong ang pastor kasama ang 35 iba pang persons deprived of liberty (PDLs), sa isang 20 square meter na selda.

Nabatid na ang naturang piitan ay para lamang sana sa limang preso ngunit kinailangang isiksik dito ang 35 PDLs dahil ang congestion rate ng Pasig City Jail ay nasa 400% na.

Si Quiboloy, na tinawag ang kanyang sarili na “Son of God,” ay nahaharap sa kasong qualified human trafficking na walang piyansa sa ilalim ng Section 4(a) of Republic Act No. 9208.

Bukod pa ito sa kasong paglabag sa Section 5(b) at Section 10(a) ng Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Show comments