MANILA, Philippines — Posible umanong tumaas ang mga naitatalang kaso ng respiratory inspections sa bansa. Ngayong panahon na ng taglamig dahil sa Amihan ay posibleng tumaas ang mga kaso ng respiratory inspections ang ubo, sipon at maging COVID-19 sa bansa.
Ito ang naging babala ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa sa publiko dahil ang mga naturang sakit ay maaaring lumala at mauwi sa pneumonia, pagkakaospital at pagkamatay kung mapapabayaan.
“So we take care of the high risk people. Ganon din ‘yung very small children, they can also have bronchopneumonia and be hospitalized,” wika ni Herbosa.
Dagdag pa niya, “It’s actually dahil kulob kasi ang isang room with one people coughing, hawa hawa na kayo ng acute respiratory infection. Ubo, sipon, lagnat, pati COVID.”
Tiniyak rin naman ni Herbosa na patuloy ang monitoring nila sa mga influenza-like illnesses (ILIs) at water-borne diseases ngayong Amihan season.
Binigyang-din ni Herbosa na dapat na maprotektahan ang mga mamamayan, partikular na ang mga matatanda at mga kabataan, laban sa mga naturang karamdaman.
Inanunsiyo ng PAGASA na asahan na ang unti-unting paglamig ng panahon sa bansa dahil sa opisyal nang pagsisimula ng Amihan season.