Wala akong inaasahan na ‘fair treatment’ sa pamahalaan - VP Sara

Vice President Sara Duterte

MANILA, Philippines — Muling nagsalita si Vice President Sara Duterte at sinabing wala siyang inaasahang “fair treatment” mula sa pamahalaan.

Ito ay kasunod ng kanyang pagdalo sa imbestigasyon ng House panel kaugnay sa paggamit niya ng confidential fund para sa Office of the Vice President at Department of Education.

“I do not expect fairness from this government. Really. Truly. That is the reason I am pussyfooting with ano, court cases,” pahayag ni Duterte.

“We do not expect fairness. Imagine mo. Saan ka makahanap.. na-admit na ‘yung tao sa hospital bigla na lang papasok, discharged na siya in less than an hour. Saan ang hustisya diyan? Saan ang hustisya dito?” dagdag niya.

Ang tinutukoy niya ang ang kautusan na inisyu kaugnay sa detention ni Zuleika Lopez, ang kanyang chief-of-staff na na-cite in contempt.

Pinuna rin ni Duterte ang umano’y kawalan ng aksyon mula sa pamahalaan sa mga banta sa kanyang buhay.

“We don’t expect justice anymore in this country. It is clear political harassment. It is clear political persecution.”

Show comments